Gumagawa na ng kaukulang hakbang ang Philippine National Police (PNP) para maiwasan ang hindi pagkakatugma ng mga datos hinggil sa mga naitatalang biktima ng paputok.
Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos kaya’t kaniya nang inatasan ang mga tauhan nito na makipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) para sa consolidation ng datos.
Ayon kay Carlos, may mga nabibiktima ng paputok na hindi nai-uulat sa kanila partikular na ang mga nagtatamo ng minor injuries kaya’t hindi nagta-tally ito sa datos ng DOH.
Mahalaga aniya ang tamang numero upang epektibong matugunan ng pamahalaan ang mga kinakailangang hakbang upang makamit ang ligtas na pagsalubong sa bagong taon.