Umabot na sa mahigit 400 ang bilang ng mga napaulat na nasawi dulot ng pananalasa ng bagyong Odette sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo na sa 405 ang bilang ng mga napaulat na nasawi.
Nasa 1147 naman ang napaulat na nasugatan dahil sa bagyo habang aabot naman sa 82 ang nawawala.
Gayunman, nilinaw ng NDRRMC na mula sa nabanggit na bilang ay nasa 75 pa lamang ang kumpirmadong nasawi, 74 ang nasugatan at 12 naman ang nawawala dahil sa bagyo.
Habang ang iba ay patuloy pang isinasailalim sa validation ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Office of the Civil Defense, Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).