Inihayag ni Department of Health promotion Bureau Director Doctor Beverly Ho na wala pang plano ang Department of Health (DOH) na baguhin ang mga patakaran sa paggamit ng antigen tests sa gitna ng banta ng COVID-19 omicron variant.
Aniya, ang testing ay dapat gamitin sa tamang paraan at panahon.
Dagdag pa ni Ho, bagama’t mabilis ang resulta at mura ang nasabing test, mahusay aniya itong magagamit sa mga indibidwal na asymptomatic na malaki ang tyansa na mahawaan ng virus.
Ginawa ni Ho ang pahayag matapos sabihin ng United States Food and Drug Administration na ang sensitivity ng rapid test ay mas mababa sa pagtukoy ng Omicron variant.—sa panulat ni Airiam Sancho