Tinututukan na ng Department of Tourism (DOT) ang iba pang hotel na pumapayag na hindi mag-quarantine ang kanilang mga guest.
Ayon kay Secretary Bernadette Romulo-Puyat, marami silang naririnig na kwento kung saan nagbabayad lamang ang isang indibidwal at isasailalim sa swab testing sa ikalimang araw kahit na hindi aniya naka-check in.
Samantala, nakipag-ugnayan na ang DOT sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) habang patuloy na biniberipika ang mga report na kanilang natatanggap.—sa panulat ni Airiam Sancho