Aabot na sa halos 480,000 health workers ang nakatanggap na ng kani-kanilang special risk allowance (SRA) mula sa pamahalaan.
Sinabi ni acting presidential spokesperson at cabinet secretary Karlo Nograles, na ito ang naitalang bilang ng mga napagkalooban ng SRA mula December 2020 hanggang June 2021 na aabot sa 7.6 na bilyong piso ang halaga.
Ani pa Nograles, nakapag-paabot din ng tulong ang pamahalaan sa mga naiwang pamilya ng mga health workers na nasawi.
Sa tala, nasa 27,066 public at private healthcare workers ang nakabenepisyo ng death compensation. —sa panulat ni Joana Luna