Umabot na sa 657 ang bilang ng mga biktima ng human trafficking sa taong 2021.
Ayon sa Inter-Agency Council Against Trafficking, umabot na sa 41 idibidwal ang inaresto sa 66 sa ikinasang operasyon ng mga otoridad.
Matatandaang noong nakaraang taon ay umabot lamang sa 40 ang bilang ng mga nahuli habang 30 biktima naman ang nareskyu sa 317 operasyon.
Sa ngayon, patuloy pang mino-monitor ng Inter-Agency Council Against Trafficking ang implementasyon ng Republic Act No. 9208 o ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003. —sa panulat ni Angelica Doctolero