Nag-ikot sa ilang mga ospital ang Department of Health (DOH) kasabay ng pagsalubong ng bagong taon.
Pinangunahan ni DOH Secretary Francisco Duque, III kasama ng iba pang opisyal ang pagbisita sa mga ospital sa Metro Manila.
Kabilang sa mga ospital na binisita ng DOH ang Jose R. Reyes Memorial Medical Center at Tondo Medical Center para mamonitor at masiguro ang kahandaan ng mga ospital sa pagbibigay ng emergency medical services para sa fireworks-related injuries (FRI).
Ayon sa DOH, bumaba ang bilang ng FRI sa bansa kung saan, 30 ang kabuuang pinsala ng paputok kumpara sa 677 na bilang noong taong 2016 at 122 naman na kaso noong taong 2020. —sa panulat ni Angelica Doctolero