Inihayag ni OCTA Research Fellow Prof. Dr. Guido David na pumalo na sa 2.19 ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay David mas bumilis ang pagkalat ng Coronavirus disease sa bansa matapos maitala ang pinakamataas na reproduction number.
Sa kabila nito, tumaas rin ng 20% ang bilang ng okupadong COVID-19 hospital beds sa rehiyon habang nasa 24% naman ang bilang ng okupadong ICU beds sa Metro Manila. —sa panulat ni Angelica Doctolero