Sumampa sa 4.05% ang reproduction rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa OCTA Research Group, mula sa 21% ay sumirit sa 28% ang positivity rate kaya’t itinuturing na nasa high risk na sa COVID-19 ang rehiyon.
Sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na nasa 2,530 na bagong mga kaso ang naitala sa NCR sa unang araw ng taon, kung saan ito ang pinakamataas na bilang mula noong October 10, 2021.
Base sa projection grupo, tinatayang aabot sa 2,500 hanggang 3,000 ang bilang ng mga bagong kaso ng virus sa Metro Manila habang abang tinatayang papalo naman sa 3,500 hanggang 4,000 ang new COVID-19 case buong bansa.