Mahigit 5,000 pamilya sa Siargao Island ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa ahensya, namahagi sila ng tig-5,000 piso sa unang batch ng mga pamilyang lubhang naapektuhan ng nagdaang bagyo sa labingtatlong barangay sa bayan ng Dapa.
Aabot sa 14,000 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Odette sa naturang bayan.
Gayunman, sinabi ng ahensya na hindi lahat ay mabibigyan ng financial assistance.
Nasa 29 na milyong pisong cash assistance ang naipamamigay na ng dswd sa mga apektadong pamilya sa bayan ng Dapa.
Sinabi pa ng DSWD-CARAGA na hinihintay pa nila ang anunsyo ng regional office para sa pamamahagi ng second batch ng tulong pinansyal para sa mga apektadong pamilya sa iba pang mga munisipalidad sa Siargao.