Nasa P149,445 halaga ng mga ilegal na paputok at pyrotechnic devices ang nasamsam at winasak ng awtoridad sa Camp General Pantaleon Garcia sa Cavite.
Ang ceremonial disposal ay pinangunahan ng mga opisyal ng Cavite Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at kinatawan ng Local Government Units (LGUs).
Ang mga ipinagbabawal na paputok ay nakumpiska mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan sa isinagawang three-day simultaneous anti-criminality and law enforcement operations.
Sa seremonya, nagpahayag ng simpatiya si Cavite PNP provincial director Col. Arnold Abad sa mga negosyong nakumpiskahan ng mga ilegal na paputok ngunit iginiit nito na dapat unahin ang kaligtasan ng publiko.—sa panulat ni Khime Gomez