Naniniwala ang Department of Health (DOH) na may “high possibility” ng local transmission ng Omicron variant sa bansa.
Ito ay matapos ianunsyo ng DOH ang pagtuklas ng tatlong lokal na kaso ng Omicron variant sa Pilipinas.
Gayunpaman, hindi pa opisyal na inanunsyo ng DOH ang local transmission ng variant na ito sa kabila ng pagtuklas ng mga lokal na kaso.
Dadag pa ng DOH, na mahalaga sa puntong ito na huwag ma-overwhelm ang mga ospital para ma-accommodate nila ang mga pasyenteng may malubhang sakit ng COVID-19.
Samantala, hinimok naman ng DOH ang publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19 sa lalong madaling panahon.—sa panulat ni Khime Gomez