Welcome development para sa Philippine Nurses Association (PNA) ang paglalaan ng gobyerno ng limampung bilyong piso (P50 billion) para sa special risk allowance o SRA ng mga medical frontliners.
Ayon kay PNA President Melbert Reyes, makikinabang sa SRA allotment ang tinatayang isang milyong health workers sa mga pampubliko at pribadong ospital sa bansa.
Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Disyembre 30 ang 2022 national budget kung saan nakapaloob dito ang mga benepisyo para sa mga medical frontliners, kabilang ang mga nurse.