Hindi pa inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang pagpapatupad ng mas mahigpit na Alert Level 3 status sa iba pang rehiyon hangga’t hindi pa ito kinakailangan batay sa datos.
Binigyang-diin ni Health Secretary Francisco Duque na mayroong sinusunod na metrics o batayan sa pagpapatupad ng Alert Level kaya’t itinaas sa level 3 ang restriction sa Metro Manila.
Ipinunto ni Duque na ang mataas na 2-week growth rate at average daily attack rate sa National Capital Region ay datos na nasa ilalim na ng high-risk classification ang nasabing rehiyon.
Ang pagbabalik naman sa NCR sa Alert Level 3 ay kasunod ng pagkakaulat ng unang local transmissions ng Omicron variant sa bansa. —sa panulat ni Drew Nacino