Muling nagpatupad ng mahigpit na COVID-19 restrictions sa Lungsod ng Maynila kasabay ng pagbabalik ng Alert Level 3 sa Metro Manila dahil sa pagtaas na naman ng bilang ng nagkakasakit.
Kinumpirma ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nagsagawa sila ng emergency meeting kasama ang medical experts at city health office upang ilatag ang kanilang mga plano at preparasyon para sa mga susunod na linggo.
Mula sa average na 70 hanggang 90 COVID-19 patients, sumampa na sa 574 ang active cases sa lungsod hanggang kahapon.
Kabilang sa ibinalik ang curfew para sa mga menor de edad simula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw kinabukasan, pagbabawal sa mga hindi bakunadong pumunta ng malls at sumakay sa public transportation;
Suspensyon ng face-to-face classes sa primary at secondary levels habang mag-o-operate ang Manila City Hall sa 30% capacity. —sa panulat ni Drew Nacino