Nasunog ang isang Residential area sa Luzon St., kahabaan ng Estero de Magdalena, Brgy. 266, Zone 24, District II, Tondo, Maynila kahapon.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, tinupok ng apoy ang tatlong palapag na bahay na pagmamay-ari ng isang Virgilio Payawal kung saan, aabot sa P50K ang naabo sa sumiklab na sunog.
Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa sunog pero aabot sa mahigit 25 pamilya ang naapektuhan matapos madamay sa nasunog na bahay.
Sa ngayon, inaalam pa ng arson investigator ang sanhi ng sunog. —sa panulat ni Angelica Doctolero