Isinara kahapon ang Ospital ng Malabon para sa mga outpatient at kaso ng COVID-19 matapos magpositibo sa COVID-19 ang 19 na healthcare workers.
Kasunod ito ng ikinasang disinfection at swab testing sa 40 kawani sa naturang ospital.
Ayon sa Lokal na Pamahalaan, pansamantala munang dadalhin sa Super Health Center sa Barangay Catmon ang mga outpatient at mga residenteng may mga kaso na walang kaugnayan sa COVID-19.
Patuloy pang minomonitor ang mga nagpositibo sa COVID-19 habang tatagal naman hanggang bukas, January 4, ang pagsasara sa nasabing ospital.
Para sa mga may katanungan, maaaring makipag-ugnayan ang mga residente sa Malabon Command Center at tignan ang kanilang Facebook Page para sa karagdagang anunsiyo. —sa panulat ni Angelica Doctolero