Patay ang 4 na miyembro ng pamilya matapos makalanghap ng toxic fumes o usok makaraang masunog ang kanilang bahay sa isang Village ng Southern Lebanon.
Ayon kay Resala Health Ambulance Association Officer Youssef Al-Dor, nawalan ng malay at nasunog ang isang ina kasama ang tatlo nitong anak na nasa edad, 4, 7 at 8 matapos matrap sa kanilang kwarto.
Inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng sunog sa lugar. —sa panulat ni Angelica Doctolero