Panahon na upang magbigay ng libre at mabilis na RT-PCR test para sa mga may sintomas ng COVID-19 at mga close contacts kasunod ng muling pagsipa ng kaso ng virus sa bansa ayon kay Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares.
Aniya, dapat rin sumailalim sa COVID-19 test ang mga manggagagawa kada dalawang linggo upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito at maiwasan ang pagkalat ng virus.
Kung sakali aniyang magpositibo ang sinomang empleyado dapat na bigyan ang mga ito ng karampatang pinansyal at materyal na suporta sa panahon ng quarantine upang hindi mag-alala ang mga ito sa kanilang pamilya.
Bukod pa rito, dapat tiyakin rin aniya ng lokal na pamahalaan at pambansang ahensya ng kalusugan na gumagana ang mga hotline numbers kung saan maaaring tumawag ang mga may sintomas at na-expose sa COVID-19 na mga indibidwal upang makakuha ng libreng COVID-19 test at payo mula sa eksperto.
Dagdag ni Colmenareas, kayang-kaya ng ng bansa na labanan ang naturang virus basta mayroong maayos na polisiya para sa kaligtasaan ng bawat isa.
Magugunitang batay sa mga eksperto kinakailangang umabot sa nasa 120,000 ang COVID-19 test kada raw sa bansa para sa epektibong pagtugon sa pandemya. —ulat mula kay Tina Nolasco