Tumaas ng 164% ang naitalang nasugatan dahil sa paputok sa Region 3 sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon sa Department of Health Region 3, hindi bababa sa 58 indibidwal ang naitalang nasugatan mula December 21, 2021 hanggang nitong January 1, 2022.
Pinakamaraming naitalang firecracker-related injuries sa Pampanga na may 24, sinundan naman ng Tarlac na may 14, siyam sa Bulacan, 5 kaso sa Nueva Ecija, 4 sa Bataan, at tig-isang kaso sa aurora at Zambalaes.
Karamihan sa mga biktima ay tinamaan at nasugatan sa kwitis, five star at baby rocket.
Wala namang fireworks ingestion, natamaan ng stray bullet o nasawi dahil sa paputok.