Target sungkitin ni Gilas Filipinas o ang Pilipinas Women’s Team ang gintong medalya sa 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam.
Kumpiyansa si Philippine National Team Coach Pat Aquino na makukuha ng Pilipinas ang kampeonato para sa ikalawang sunod na Sea Games Gold Medal bid sa darating na Mayo.
Matatandaang tinalo ng Gilas Filipinas ang India sa Relegation Match para makuha ang karapatang manatili sa Elite Asia Cup’s Division a na pinamumunuan ng Japan, China at Australia.
Kabilang sa mga lalahok sa naturang team ay sina Jack Animam, Henson Afril Bernardino, Camille Clarin, Ella Fajardo at Skipper Janine Pontejos kaya malaki ang posibilidad na muling maabot ng Pilipinas ang panalo. —sa panulat ni Angelica Doctolero