Isang Overseas Filipino Worker ang nag-suicide habang naka-quarantine sa isang hotel sa Pasay City.
Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na nagbigti ang 40-anyos na OFW sa banyo ng Citadines Bay City Manila.
Ayon kay PCG Spokesman, Commodore Armand Balilo, dumating ang lalaki mula Papua New Guinea noong linggo at sumailalim sa mandatory quarantine.
Kahapon ay nagpadala pa umano ng groceries ang kamag-anak ng OFW sa hotel pero nang tawagan sa telepono ng OWWA Houseparent at PCG personnel ang biktima ay hindi ito sumagot.
Dahil dito, pinuntahan sa kwarto ang Pinoy at ilang beses na kinatok subalit hindi pa rin sumasagot kaya’t tinawagan na ang Hotel Management upang buksan ang pinto ng kanyang kwarto.
Iniimbestigahan na ng Overseas Workers Welfare Administration ang insidente.