Mahigit 700 pamilya ang apektado ng flashfloods sa bayan ng Maigo, Lanao del Norte.
Ayon sa Lanao del Norte Provincial Government, kabilang sa mga nalubog ang barangay Balagatasa, Labuay at Poblacion.
Bukod sa mga residente, nawasak o napinsala rin ang kanilang mga bahay sa 6 hanggang 3 talampakang baha.
Samantala, nagdeploy na ang 5th Mechanized Infantry Battalion ng Philippine Army ng mga sundalo at naglunsad ng rescue operations.