Isang Ginang sa Maynila ang napaanak sa labas na lamang ng ospital makaraang tanggihan nang dalawang beses ng mga pagamutan dahil punuan na ang mga pasyente.
Positibo rin sa COVID-19 ang babae dahil sa sintomas ng sipon at ubo batay sa isinagawang Antigen testing.
Dahil positibo sa COVID-19, sa tent na nasa labas ng ospital ng sampaloc na lamang pinaanak ang Ginang.
Ipinaliwanag ni Edgardo Marcelo, Information Officer ng Ospital ng Sampaloc na hindi nila maaaring ihalo sa ibang pasyente ang mga may sintomas ng COVID-19.
Mayroon anya silang 26 na COVID-19 patients at 33-bed capacity lamang ang kanilang operasyon.
Kamakailan ay biglang tumaas ang bilang ng mga pasyenteng dinadala sa mga ospital sa Metro Manila sa gitna ng panibagong COVID-19 surge.