Nasa 85% ng covid patients sa Lung Center of the Philippines (LCP) ang hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay Dr. Norberto Francisco, isang Pulmonary Medicine Specialists, patuloy pa rin na tumataas ang COVID-19 admissions sa LCP.
Dagdag ni Francisco, nuong Disyembre ay naglalaro lamang sa lima hanggang walo ang na-a-admit ngayon ay umaabot na sa 15 at 25.
Aniya, mayroong 56 na kama ang naka reserba para sa COVID-19 patients sa LCP.