Natunton ang ikalawang Filipina na dumiretso sa kanyang condo sa Bonifacio Global City (BGC).
Ito’y matapos hindi dumiretso sa kanyang mandatory hotel quarantine sa Seda Residences sa Makati City.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Anio, nagpahatid lamang ito sa mismong hotel ngunit mayroong sasakyan na nag-aabang sa kanya rito.
Aniya, pinagmamalaki pa ng naturang Pilipina na mayroon itong Bureau of Quarantine (BOQ) exemption for quarantine ngunit itinanggi ito mismo ng BOQ.
Sinabi pa ni Anio, pinaiimbestigahan na nila ang naturang insidente at hindi nila pinapayagan ang ganitong mga pangyayari.
Una nang inilahad ni Tourism Secretary Bernadette Romulo puyat na ito na ang ikalawang Pilipino na hindi sumipot sa mandatory quarantine.