Mahigit P9-B ang nawala sa koleksiyon ng pamahalaan dahil sa laganap na smuggling ng bigas, baboy, manok, gulay, sibuyas at iba pang mga agricultural products, noong isang taon.
Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So, maaaring ito ang dahilan kaya’t tumatanggi ang Department of Agriculture mag-quarantine muna ng mga inaangkat na agri-products kahit may pondo para sa first border inspection noon pang December 2019.
Ikinalulugi anya ito ng mga magsasaka at iba pang producers, bukod pa sa nalalagay sa alanganin ang kalusugan ng mga tao at nadadaya nito ang koleksiyon sa buwis ng pamahalaan na magagamit sana para sa pangangailangan ng mamamayan.
Binatikos din ni So ang Department of Justice dahil sa kabiguan nitong magpakulong ng mga smuggler ng agricultural products kahit pa may mga operasyon laban sa smuggling ang iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan. —sa panulat ni Mara Valle