Inirerekomenda ng isang Infectious Disease Expert sa mga nakararanas ng flu like symptoms na magpa-telemedicine consult para maiwasan ang pagsisikip sa mga ospital sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19 .
Ayon kay Dr. Edsel Salvana, tumataas ang kaso ng mga nagkakaroon ng trangkaso sa Pilipinas dahil sa flu season.
Dagdag ni Salvana, malaki ang tsansang magsasabay sabay ito sa COVID ngunit sa mga symptomatiic relief kapag nahihirapan na huminga kailangan na talagang magpasuri sa doctor.
Aniya, kung mild lamang naman ang symptoms, pwedeng magpa-tele consult para di mapuno agad ang mga ospital.
Samantala, sinuguro naman ng Department of Health (DOH) na walang kakulangan sa suplay ng paracetamol at iba pang gamot sa flu-like symptoms.