Pansamantala kinansela ang isinasagawang limited face to face classes sa De La Salle University (DLSU) sa gitna ng pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay DLSU President Br. Bernard S. Oca FSC, kanselado ang in person classes at onsite thesis work na nakatakda sa term 1 sa gitna ng umiiral na alert level 3 sa Metro Manila.
Nakasaad sa ilalim ng Inter Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF-MEID) sa implementasyon ng alert level system, hindi pinapayagan ang pagsasagawa ng limitadong face-to-face classes.
Aniya, ang pagpunta sa unibersidad ay mahigpit na ipinagbabawal kahit pa ito ay mahalagang gawain.
Una nang inanunsiyo na isasailalim ang Metro Manila sa alert level 3 hanggang 15 ng Enero.