Kinumpirma ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na nagpositbo siya sa COVID-19.
Ito’y ayon sa Alkalde ay matapos siyang sumailalim sa regular na work routine testing sa City Hall.
Ayon kay Gatchalian, nakararanas siya ng very mild symptoms kaya’t maipagpapatuloy pa rin niya ang trabaho kahit nasa isolation facility.
Kasunod nito, tiniyak ng Alkalde na magpapatuloy pa rin ang operasyon ng Pamahalaang Lungsod sa kabila ng kaniyang pananatili sa quarantine.
Pansamantala, inatasan ni Gatchalian si Vice Mayor Lorie Natividad – Borja at ang buong lupon ng City Hall para umalalay sa mga pisikal na pangangailangan ng lungsod. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)