Pinaghahandaan na ng Minor Basilica of the Black Nazarene o simbahan ng Quiapo ang pagsasagawa ng ‘online mass’ sa darating na Linggo para sa paggunita ng kapistahan ng Poong Nazareno.
Aniya, hinihintay na lamang nito ang desisyon ng IATF sa inilatag nilang plano upang matiyak ang seguridad ng mga deboto.
Sinabi rin niya na nagkaroon ng aktibidad ang nasabing simbahan kung saan inilibot ang replica ng Nazareno sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa ngayon, ito’y nasa John Baptist Calamba Parish, Cathedral ng Cabanatuan, Greenbelt Chapel, at Cubao Cathedral.
Samantala, hinikayat ni Father Badong na makiisa ang mga deboto sa pagdiriwang ng traslacion. —sa panulat ni Airiam Sancho