Sinuspinde ng Department of Tourism (DOT) ang akreditasyon ng Berjaya Makati Hotel.
Ito’y matapos na hindi sumailalim sa quarantine ng naturang hotel ang returning overseas filipino na si Gwyneth Chua na nagawa pang magparty sa Poblacion, Makati City at magpositibo sa covid-19 rt-pcr test noong Disyembre a-bente syete.
Binawi rin ng DOT ang permit ng nasabing hotel bilang multiple-use hotel sa kabiguan nitong pigilan si Chua sa paglabag sa quarantine protocols.