Kinumpirma ni Deputy Speaker Benny Abante na nagpositibo siya sa Covid-19.
Ayon kay Abante, ito na ang ikalawang beses na tinamaan siya ng virus at nakararanas siya ng pananakit ng katawan.
Pinayuhan din aniya siya ng doktor na magself-quarantine at agad ring naabisuhan ang kanyang mga naging close contacts.
Si Abante ay fully vaccinated na labansa covid-19 at nakatanggap na rin ng booster shots.