Dumarami na rin ang mga batang nagkakasakit at tinatamaan ng COVID-19 matapos ang pagluluwag sa restrictions nitong holiday season.
Sa datos ng Department of Health, bagaman mataas ang recovery rate, umabot na sa 30 hanggang 34K ang total COVID cases sa mga bagong silang hanggang siyam na taong gulang hanggang nitong January 2.
Ayon kay Dr. Cynthia Cuayo-Juico ng Philippine Pediatric Society, karamihan ng na-aapektuhan ay edad lima hanggang labing-isa na pawang hindi bakunado.
Aniya, agad magpa-teleconsult sa mga doktor sakaling makitaan ng sintomas ng COVID-19 ang mga anak.
Payo rin ni Juico, kung galing sa labas ang mga magulang o ibang miyembro ng pamilya, maligo muna bago makisalamuha sa mga bata. —sa panulat ni Mara Valle