Sisimulan na ngayong araw ng Department of Health ang national COVID-19 vaccination day para sa mga senior citizen, lalo sa Metro Manila.
Ito’y sa gitna ng patuloy na paglobo ng COVID-19 cases sa bansa at banta ng mas nakahahawang Omicron variant.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kailangan ang mas agresibong hakbang sa booster vaccination para sa senior population.
Sa ngayon anya ay mahigit 50.1-M individuals na ang naka-kumpleto ng bakuna kontra COVID-19 habang halos dalawang milyong booster doses na ang itinurok hanggang nitong Martes.
Noon lamang Nobyembre at Disyembre ay naglunsad ang gobyerno ng 3 National Vaccination Drives upang makamit ang population protection laban sa COVID-19.