Malabong ibalik ang hazard pay para sa mga government workers sa ilalim ng alert level 3 sa National Capital Region sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles , ang hazard pay ay nakalaan sa government workers at ibinibigay lamang kapag ang bansa ay inilagay sa ilalim ng pinakamahigpit na quarantine classification at sa pinakamataas na alert level.
Gayunman, sinabi ni Nograles na ayaw niyang i preempt ang anumang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bagay na ito.
Aniya, patuloy pa rin nilang binabantayan at minomonitor ang mga kaso na tinatamaan ng COVID-19.
Paliwanag pa ni nograles na kailangan mas maging maingat ang bawat isa lalo na’t isinailalim na rin ang Cavite, Rizal, Bulacan at Laguna sa alert level 3 dahil sa pagsirit ng covid-19 cases.