Nababahala ang ilang ospital sa Pilipinas dahil marami nang healthcare workers ang tinatamaan ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Maricar Limpin, president ng Philippine College Of Physicians, isa sa naging sanhi ng pagkakasakit ng mga health workers ay ang pagkakaexpose sa mga pasyenteng tinamaan ng virus.
Sinabi pa ni limpin, ito ang nagiging problema ngayon ng ilang ospital kung saan naaapektuhan ang kanilang mga on site staff.
Ipinabatid naman ni Filipino Nurses United Vice President Eleanor Velasco, nakatanggap sila ng mga ulat sa ilang emergency wards at outpatient department ang understaffed na rin.
Ani Nolasco, nanawagan na sila sa pamahalaan na sana aksyunan ang nangyayari sa mga ospital sa bansa.