Balak ni Senadora Miriam Defensor Santiago na lumahok sa gagawing debate sa senado na may kaugnayan sa Substitute Bill on the Bangsamoro Region.
Ito ang napag-alaman ng DWIZ mula sa kampo ng senadora bagama’t matagal na itong hindi pumapasok dahil sa kaniyang chronic fatigue syndrome gayundin sa aniya’y gumaling nang stage 4 lung cancer.
Nabatid na nagpa-iskedyul si Senador Santiago para sumalang sa interpellation sa Lunes ng susunod na linggo.
Magugunitang nagsagawa ng sariling pagdinig si Santiago bilang Chairperson ng Senate Committee on Constitutional Ammendments.
Gayunman, hindi pa batid kung makasisingit si Santiago kay Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na nakatakda namang ipagpatuloy ang kaniyang nasimulan nang interpellation dahil sa dami ng kaniyang nais itanong hinggil sa nasabing batas.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)