Nagpositibo sa COVID-19 ang Poland President na si Andrzej Duda.
Ayon sa kanyang Chief of Staff, naka isolate na ang Pangulo at hindi nakitaan ng malubhang sintomas ng virus.
Dagdag nito, nakatanggap na umano ang Presidente ng tatlong dose ng bakuna kontra COVID-19 nuong Abril, Hunyo at Disyembre ng nakaraang taon.
Isa ang poland sa may pinakamababang vaccination rate at pinakamataas na mortality rate sa buong Europa.