Inihayag ni Manila Water Head of Corporate Communications Dittie Galang na mino-monitor nila ang lagay ng Angat dam dahil hindi nito naabot ang projected ideal level ng tubig dahil sa hindi sapat ang naging pag-ulan noong 2021.
Aniya, ang nakuhang suplay ng tubig sa Angat dam ay kukulangin dahil sa patuloy na tumataas na konsumo sa populasyon ng Metro Manila.
Ngunit sinabi ni Galang na pinaghandaan na nila ito at ng National Water Resources Board o NWRB.
Samantala, tiwala ang NWRB na kaya ng current level ng Angat dam na magsuplay ng tubig hanggang sa dumating ang pag-ulan. —sa panulat ni Airiam Sancho