Natangay ang P1M ng dalawang empleyado ng isang delivery express matapos maholdap sa Santiago City, Cagayan Valley.
Kinilala ang mga biktima na sina Jerick Bilog, 25-anyos at Ginalyn Lorenzo, 22-anyos.
Batay sa report, lulan ng motorsiklo ang mga biktima patungong banko upang magdeposito nang harangin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na bumunot ng baril at nangholdap sa kanila.
Tinangay ng mga suspek ang bag na naglalaman ng nasabing halaga at tumakas.
Patuloy naman na iniimbestigahan ng otoridad ang naturang insidente. —sa panulat ni Airiam Sancho