Pumalo na sa mahigit P11.1B ang pinsala sa agrikultura sa Visayas at Mindanao dulot ng bagyong Odette.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), halos 400,000 magsasaka at mangingisda ang apektado.
Nasa mahigit 252, 956 metrikong tonelada at higit apat na raang libong ektarya ang produiction loss ng agricultural areas sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen at Caraga.
Samantala, sinabi rin ng DA na nagtamo rin ng pinsala ang mga imprastraktura, makinarya, at kagamitan sa agrikultura. —sa panulat ni Airiam Sancho