Posibleng tumagal ng dalawa hanggang tatlong araw ang muling pagdadagdag ng suplay ng mga gamot sa trangkaso.
Ayon kay Pharmaceutical and Healthcare Association Of The Philippines (PHAP) Vice President Jannette Jakosalem, pinagsusumikapan na ng mga manufacturer ang paggawa ng mga medisina para sa nasabing sakit.
Aniya, maaaring mas matagal ang distribusyon nito sa mga probinsya lalo na kung malayo sa kanilang warehouse.
Samantala, sinabi ni jakosalem na walang kaso ng pag-iimbak at pagtaas ng presyo sa mga rehistradong drugstores at pharmacy industry. —sa panulat ni Airiam Sancho