Pansamantalang isasara ng Philippine General Hospital (PGH) ang kanilang maternity ward.
Sa gitna ito ng pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 na isinusugod sa ospital at maging ang kakulangan ng mga hospital staff.
Ayon kay PGH Spokesperson Jonas Del Rosario, pinag-aaralan nilang isara ang maternity ward ng 24 hanggang 48 oras para sa adjustment.
Gagamitin ito para sa mga buntis na pasyenteng may COVID-19.
Humingi naman ng tulong ang pamunuan sa ob department kung saan ilalagay ang mga buntis na pasyenteng hindi naman nahawa sa COVID-19.
Tinatayang nasa 230 ang bilang ng COVID-19 patients sa pagamutan, na lubhang mataas kumpara sa naitalang noong December 25 na nasa 30 lamang.
Sa bilang na 230, 20% ang severe, 50% ang moderate cases at mayroong mild symptoms ang natitira.—sa panulat ni Abby Malanday