Nag-Iisa na lamang si Partido Federal ng Pilipinas presidential aspirant na si Ferdinand ” Bongbong” Marcos Jr. na may apelyidong Marcos sa candidates list ng Commission on Elections (COMELEC).
Batay sa huling listahan na isinapubliko ng COMELEC nitong January 4, 2022, nasa presidential candidate number eight ang pangalan ni Bongbong Marcos.
Itinuturing umanong lucky number sa mga chinese ang number 8.
Magugunitang, bumaba na lamang sa 11 ang bilang ng mga presidential candidate mula sa 97.
Bukod dito ilang grupo na rin ang nagsampa ng aabot sa 7 petisyon sa tanggapan ng COMELEC para pigilan ang pagtakbo ni Marcos Jr., sa 2022 elections.
Habang patuloy namang namamayagpag sa mga serye ng survey ang BBM-Sara UniTeam at nananatiling pinaka pinagkakatiwalaan at pinakamaraming suporta sa presidential at vice presidential bet.