Pansamantala nang pinalaya ang 5 kataong inaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang mahulihan ng bala.
Kabilang sa mga pinalaya ay isang Filipino-American, 2 overseas workers at dalawang indibidwal na nagtungo lamang sa paliparan para maghatid sa kani-kanilang kamag-anak.
Bago pinalaya ay sumailalim muna ang lima sa inquest proceedings.
Ayon kay Public Attorneys Office Chief Atty. Percida Acosta, nakapagbigay na ng kanilang oral motion sa Pasay City prosecutor ang lima kaya’t agad ding napagbigyan na pansamantalang makalaya.
Samantala, dalawa pa sa mga nahulihan ng bala ng mga otoridad sa naia ang na police custody at nakatakda pa lamang sumalang sa inquest proceeding.
By Ralph Obina