Binawasan ang bilang ng mga empleyadong naka on-site working sa Korte Suprema makaraang ipatupad ang Memorandum Order No. 4-2022.
Layunin nitong mabawasan ang physical contact sa hanay ng mga SC personnel kasunod ng patuloy na pagdami ng mga naitatalang kaso ng covid-19 sa kanilang ahensya.
Ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, epektibo ang bagong on-site working capacity simula sa araw ng Lunes, January 10, 2022 hanggang sa susunod na abiso.
Ang mga empleyadong inilagay sa work from home basis ay kailangang magreport ng araw-araw sa kanilang serbisyo upang makumpleto ang 5-working days kada isang linggo.
Samantala, hindi naman kabilang sa nabanggit na working capacity ang Office of the Bar Chair, Office of the Bar Confidant, Office of the Administrative Services-SC maging ang MDS and receiving section ng Judicial Records Office. —sa panulat ni Angelica Doctolero