50 milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccine ang binili ng gobyerno na darating sa huling bahagi ng Enero upang ma-inoculate ang mga menor de edad na 5 hanggang 11 anyos laban sa COVID-19.
Kinumpirma ito ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Special Adviser Dr. Ted Herbosa.
Hinikayat din ni Herbosa ang publiko na magpabakuna laban sa viral disease upang maiwasan ang tumataas na kaso ng COVID-19.
Samantala, tiniyak naman ni Herbosa sa publiko na handa ang gobyerno para sa panibagong Omicron variant. —sa panulat ni Kim Gomez