Siksik ang schedule ni Pinoy Pole Vaulter EJ Obiena.
Kasunod na rin ito sa limang malalaking international tournaments na sasalihan ni Obiena sa taong ito.
Si Obiena ay inaasahang sasabak sa Asian Indoor Athletics Championships sa Nur Sultan, Kazakhstan mula February 11 hanggang 13.
Pasok din ang World Number 6 sa 2022 IAAF World Indoor Championshps sa March 18 sa Belgrade, Serbia, Vietnam Sea Games sa Mayo, World Athletics Championships mula July 15 hanggang 24 sa Oregon, USA at 2022 Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre.
Gayunman, tila nakabitin pa ang partisipasyon ni Obiena sa mga nasabing events dahil hihingan ng International Olympic Committee ng endorsement ng Pinoy Vaulter ang PATAFA kung saan ito mayruong hidwaan.
Bukod sa mga naturang events, sinasabing si Obiena ay kakatawan din sa Pilipinas sa init indoor meeting sa Karlsruhe, Germany sa January 28.