Ipinahiwatig ni Health Secretary Francisco Duque III ang posibilidad na itaas sa Alert Level 4 ang National Capital Region (NCR) sa gitna na rin nang patuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Ito ay matapos ihayag ni Duque na ikinukonsider ng IATF ang pagtataas sa Alert Level 4 sa Metro Manila kung saan halos nasa moderate risk na ang Health Care Utilization rate.
Sinabi ni Duque na iniiwasan ng gobyerno na humantong sa kakulangan o tuluyang maubos na ang hospital beds sa mga ospital dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19 at hindi na rin kakayanin pa ng healthworkers kung magkaroon muli ng panibagong surge ng virus.
Sa ilalim ng Alert Level 4, ang mga establisimyento ay pinapayagang mag-operate sa 10% indoor capacity para lamang sa mga fully vaccinated at 30% outdoor capacity samantalang hindi naman operational ang mga cinema, contact sports, face-to-face classes, amusement parks at casino.—sa panulat ni Airiam Sancho